Inaasahang maibibigay ng Kamara sa Senado sa October 25 ang panukalang 2025 General Appropriations Bill (GAB).
Ayon kay Senate Committee on Finance Chairperson at Sen. Grace Poe, base ito sa schedule na napagkasunduan nila ng Kamara.
Sinabi ni Poe na magtutuloy-tuloy lang ang mga pagdinig ng komite ng Senado sa panukalang pondo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno hanggang October 18.
Pagkatapos lang aniya nito ng pagsusumite sa kanila ng 2025 GAB ay saka pa lang magagawa ang committee report sa Senado.
Sa ngayon ay mas maaga pa aniya sila sa schedule nila sa mga hearing.
Kaya naman, sinabi ni Poe na kung on time maibibigay ng kanyang mga vice chairperson ang kani-kanilang committee report ay magiging handa na rin siyang ipresenta sa plenaryo ang panukalang pondo para sa 2025 sa kanilang pagbabalik-sesyon sa November 4. | ulat ni Nimfa Asuncion