25,000 Caviteño napagkalooban ng tulong pinansyal at pabigas sa ilalim ng CARD, ISIP, SIBOL program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 25,000 Caviteños ang nakabenepisyo sa tatalong makabagong programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. partikular na ang kabilang sa vulnerable sector, mag-aaral, at maliliit na negosyo.

Sa ilalim ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program: 10,000 benepisyaryo mula Cavite ang napagkalooban ng P5,000 at 10 kilo ng bigas sa simpleng seremonya sa Imus City Grandstand.

Kabilang sa mga nakabenepisyo ay indigent senior citizens, PWDs, single parents, indigenous peoples at mga kapos ang kita.

Pagdating naman sa Youth (ISIP) Program: may 5,000 mag-aaral ang nakatanggap din ng P5,000 tulong pinansyal at limang kilong bigas.

Ipapasok rin sila sa Tulong Dunong Program ng CHED na may scholarship grant na P15,000 kada taon, at priority slot sa ilalim ng government Internship Program.

Natulungan din ng Start-Up, Investments, Business Opportunities and Livelihood (SIBOL) Program ang may 10,000 MSME sa pamamgitan ng P5,000 financial aid at limang kilo ring bigas.

Sabi ni House Speaker Martin Romualdez, ipinapakita ng mga programang ito ang dedikasyon ng pamahalaan na walang Pilipino ang maiiwan ito man ay sa pamamagitan ng educational, financial o livelihood assistance. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us