Dating PCSO GM Garma at NAPOLCOM Comm. Leonardo, idinawit sa pagpaslang sa dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuro ng isang aktibong police lieutenant colonel si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma bilang utak ng pagpatay kay dating PCSO board secretary at isa ring police general na si Wesley Barayuga noong 2020.

Humarap si Police Lieutenant Colonel Santie Fuentes Mendoza sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Quad Committee ng Kamara, at tahasang sinabi na tinawagan siya ni Police Col. Edilberto Leonardo noong 2019 para sa isang ‘special project’.

Aniya, ang sabi sa kaniya ni Leonardo, may isang personalidad na kailangan i-eliminate dahil sangkot sa iligal na droga.

Noong una ay nag alinlangan siya na sumunod dahil isang opisyal pala ng pamahalaan ang sangkot dito.

Sabi pa aniya niya kay Leonardo, na magsasagawa muna siya ng imbestigasyon ukol dito pero sabi umano ni Leonardo na hindi na kailangan dahil utos ito ni Garma.

Kalaunan ay tinanggap din ito dahil sa upper-class aniya niya si Leonardo.

Hindi naman agad naikasa ang ‘special project’ dahil sa pandemiya.

Pebrero ng sumunod na taon ay tinawagan ulit ni Leonardo si Mendoza at dito na siya naghanap ng tao na makakatuwang sa pagtupad ng trabaho.

At ito ay si Nelson Mariano na kakilala niyang informant at may network ng mga hitman.

Nagbigay naman aniya ng litrato ni Barayuga ang isang “Toks” na mula sa PCSO pati ang impormasyon ng sasakyan na gagamitin ni Barayuga para mas madaling matunton

“Sinabi rin ni Colonel Leonardo na hindi na kami mahihirapan sa pagsasagawa ng operasyon dahil nag-isyu na si Ma’am Garma ng isang service vehicle para gamitin ni Wesley Barayuga, at binigay sa akin ang deskripsyon at plate number ng sasakyan…Sinabi niya na maaari na naming tirahin si Wesley Barayuga pagkatapos niyang lumabas sa gusali. Ipinasa ko ang lahat ng impormasyong ito kay Nelson Mariano,” sabi pa niya.

Kapalit naman ng trabaho ay P300,000 na pinaghatian ni Mendoza, Marinao at ng nakuhang hitman na alyas ‘Loloy.’

“Matapos na matagumpay na naisagawa ang operasyon, ipinaalam sa akin ni PCOL Leonardo na si Ma’am Garma ay nagbigay ng P300,000 bilang kabayaran para sa aming trabaho at ito ay iaabot ni ‘Toks’ sa aking middleman na si Nelson Mariano. At nang magkita kami ni Nelson, ay inabot niya sa akin ang halagang P40,000 bilang aking bahagi sa kabayaran,” paglalahad pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us