Dating PCSO General Manager Royina Garma, kwinestyon ang kanya umanong aria-arian sa Cebu at ginawang donasyon sa isang party-list group gamit ang pera ng PCSO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kwinestyon ni Sta. Rosa Representative Dan Fernandez si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa kanyang magarang aria-arian at ang kanyang kakayahang mag-donate ng malaking halaga sa isang party-list group.

Sa isinagawang pang-pitong joint hearing ng Quad Committee, inusisa ni Fernandez ang dating Police at PCSO official kung pagmamay-ari ba nito ang isang mansion sa hilltop sa Cebu.

Unang itong itinanggi ni Garma ngunit kalaunan ay inamin nito na siya ang nag-develop ng property gamit ang kanyang sariling pera.

Inusisa rin ng isa sa Quad Commmittee chair ang ginawang donasyon na ₱2-milyon ng PCSO sa ilalim ng kanyang pamamahala para sa STL Foundation kung saan ang kanyang pinsan ang second nominee habang ang first nominee ay ang asawa ng isang Police officer na malapit kay Garma.

Naungkat din ang kanya umanoy mahigit ₱23-milyong pisong savings sa bangko at Public Safety Savings and Loan Association.

Si Garma, ay kabilang sa mga personalidad na iniimbestigahan ng Quad Committee na umanoy sangkot sa brutal na pagpatay sa war on drugs. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us