Impormasyong Chinese spy si dating Mayor Alice Guo, dapat imbestigahan ng Defense agencies ng bansa — Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat seryosohin at suriing mabuti ng Defense at Intelligence agencies ng Pilipinas ang impormasyon na isang Chinese spy si dismissed Mayor Alice Guo.

Ginawa ni Gatchalian ang pahayag matapos ipresenta sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang dokumentaryo ng isang international news channel ang alegasyon ng detained Chinese spy na si She Zhijiang na isa ring espiya si Guo Hua Ping.

Sinabi ng senador na dapat talakayin ng gobyerno ang bigat ng sitwasyon lalo na kung totoo ang impormasyong ito.

Kung nagkataon kasi aniya ay ito ang unang pagkakataon na may isang espiya na nanalo sa eleksyon at nakahawak ng posisyon sa gobyerno sa bansa.

Magtutulak rin aniya ito ng tanong kung ilan pang katulad niya ang nakapasok na sa pamahalaan ng Pilipinas.

Binigyang-diin ni Gatchalian na magsilbi na dapat itong wake up call sa gobyerno at tiyakin na mayroon tayong sapat na kakayahan, pondo, at teknolohiya para matugunan ang ganitong sitwasyon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us