Sunod-sunod na ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa mga nagnanais tumakbo sa halalan ngayong 2025 Mid-Term Elections.
Unang naghain si Manila 6th District Councilor Joey Uy na tatapat kay incumbent Representative Benny Abante na tututok naman sa pagpapaunlad ng healthcare system sa bansa.
Sumunod naman si Jaime Enaje na tatakbo sa ika-2 Distrito ng Marikina City katapat ng nagbabalik na si Representative Miro Quimbo na isusulong ang paggamit sa Baybayin bilang pambansang lathain.
Sa ikatlong pagkakataon, muli namang magbabangga sa Caloocan City sina Representative Mitzi Cajayon-Uy at nagbabalik ding si Representative Egay Erice.
Sinabi ni Cajayon Uy, kumpiyansa silang mananatili ang tiwala sa kanila ng mga taga-Caloocan dahil sa naipaabot nila ang mga pinag-ibayong serbisyo ng Administrasyong Marcos Jr.
Kabilang na rito aniya ang ayuda sa mga kapos-palad gaya ng AICS, Health Benefits, pamamahagi ng lupang sakahan, at tulong sa mga magsasaka gayundin sa mga mangingisda. | ulat ni Jaymark Dagala