Mga kasong hinahawakan ng CIDG, nais pamadaliin ni PNP Chief Marbil

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit ang atas ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na resolbahin agad ang mga hinahawakan nilang kaso.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo kasunod ng pagpapalit sa liderato ng CIDG sa pamumuno ni Police Brig. Gen. Nicolas Torre III.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni Fajardo na lahat ng mga kasong hinahawakan ng CIDG ay prayoridad na matapos upang mapanagot ang mga may sala.

Kabilang na rito ang kaso ni Pastor Apollo Quiboloy, pagtugis kay Atty. Harry Roque gayundin ang kaso ng pagpaslang kay dating PCSO Official Wesley Barayuga at iba pa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us