Photo courtesy of Civil Aviation Authority of the Philippines
Aabot sa 72% ang itinaas ng passenger capacity ng Laguindingan Airport matapos makumpleto ang bagong passenger terminal building dito at opisyal nang binuksan ito sa publiko ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines.
Paliwanag ng CAAP, ang dating 500 passenger capacity ng Laguindingan Airport ay nadagdagan ng 360 dahil sa bagong bukas na passenger terminal building kung saan kaya na nitong mag-accommodate ng 860 pasahero sa anumang oras.
Ang naturang improvement ay magpapalakas sa abilidad ng naturang paliparan na magsilbi sa mga mananakay partikular ang nasa dalawang milyong pasahero nito kada taon.
Ayon naman kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang naturang proyekto ay susuporta sa regional integration na isang mahalagang bahagi para mabigyan ng access ang mga residente sa rehiyon para sa iba’t ibang oportunidad. | ulat ni Lorenz Tanjoco