Inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang 160 party-list at political parties para sa raffle sa Oktubre 18 na magpapasya sa kanilang puwesto sa balota.
Sa opisyal na bilang ng COMELEC, may 42 bagong grupo ang nagpatala at 122 ang umiiral na party-list at political groups. May ilang grupo namang tinanggihan ang Komisyon, kabilang ang apat na political parties na hindi nakapag-file ng hiwalay na petisyon para sa regular na akreditasyon ng party-list, at sa halip ay manifesto lamang ang ipinasa.
Sa kasalukuyan, natanggap na ng 160 na aprubadong grupo ang abiso ng kanilang pagkakasama sa raffle.
May 63 na pwesto sa Kamara ang nakalaan para sa mga party-list na kinakailangang mapunuan, sang-ayon na rin sa desisyon na inilabas ng Korte Suprema.| ulat ni EJ Lazaro