Isang 6.1 magnitude na lindol ang tumama sa bahagi ng Bagamanoc sa Catanduanes kaninang alas-5:19 ng madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa layong 76km kanlurang-silangan ng naturang bayan.
Tectonic ang origin nito at may lalim na 38km sa lupa.
Naitala ang Intensity I sa Irosin, Sorsogon habang Instrumental Intensities din ang naiulat sa:
Intensity IV – Virac, CATANDUANES; City of Tabaco, ALBAY
Intensity Ill – Mercedes, CAMARINES NORTE; Caramoan, and Sagnay, CAMARINES SUR; City of Sorsogon, SORSOGON
Intensity II – General Nakar, QUEZON; City of Legazpi, ALBAY; Daet, CAMARINES NORTE; City of Iriga, Ragay, and Sipocot, CAMARINES SUR; San Roque, NORTHERN SAMAR
Intensity I – Jose Panganiban, CAMARINES NORTE; Claveria, MASBATE; Bulusan, SORSOGON; Gandara, SAMAR
Inaasahan ng PHIVOLCS na magpapatuloy ang aftershocks kasunod ng lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa