Umabot na sa ₱2.8-million ang halaga ng tulong na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na nakaranas ng hagupit ng Super Typhoon Julian.
Ayon sa DSWD, kabilang sa tulong na naipaabot na sa mga apektadong pamilya ay family food packs (FFPs) partikular sa mga nananatili sa evacuation centers.
Batay sa pinakahuling tala ng DSWD, nasa higit 35,000 pamilya o 120,000 na indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Nadagdagan din ang bilang ng mga pamilyang nananatili pa sa evacuation centers na aabot pa sa higit 500.
Kaugnay nito, may naitala na rin ang DSWD na dalawang kabahayan na labis na napinsala ng bagyo at 74 na partially damaged. | ulat ni Merry Ann Bastasa