Plano ng Department of Agriculture (DA) na mapalawak at maging commercially available na rin ang bakuna kontra African Swine Fever (ASF) bago matapos ang taon.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, mahalagang mabilis na mapalawak ang bakunahan sa bansa lalo’t nananatiling mataas pa rin ang bilang ng mga lugar na may aktibong kaso ng ASF.
Sa tala ng Bureau of Animal Industry (BAI), as of September 20, umakyat pa sa 524 mga barangay ang nasa ASF Red Zones mula sa higit 400 na lamang noong unang linggo ng Setyembre.
Sa ngayon, puspusan na ang ginagawang hakbang ng DA katuwang ang Food and Drug Administration para masiguro ang pagkakaroon ng ligtas at epektibong ASF vaccine.
Bukod dito, nananatili rin ang mahigpit na border control measures ng DA para maiwasan ang lalong pagkalat ng ASF. | ulat ni Merry Ann Bastasa