Aabot sa 1,500 residente ng Pugo, La Union ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal at dental ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng PuroKalusugan, Sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga Program nitong nakaraang Biyernes, Setyembre 27.
Iba’t ibang serbisyong medikal ang inaalok, kabilang ang laboratory services, medical consultation, pagbabakuna, dental services, ECG, X-ray, ultrasound, at mga libreng gamot. Ilang PWD ang nabiyayaan ng libreng wheelchair.
Tiniyak ni Regional Director Paula Paz Sydiongco na magpapatuloy ang programa sa pagbisita nila sa mga komunidad sa apat na lalawigan ng rehiyon upang maghatid ng mga serbisyong pangkalusugan at mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga hindi makadalaw sa health facilities.
Naging tagumpay ang PuroKalusugan program sa Pugo, La Union, sa suporta ng Opisina ni Sen. Loren Legarda, na naglaan ng P3M pondo para makapaghatid ng mahahalagang healthcare services sa underserved communities ng Pugo, La Union, at upang mapabuti ang pampublikong kalusugan sa loob ng rehiyon, sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office, pamahalaan ng bayan ng Pugo, at Ilocos Training and Regional Medical Center na nagbigay ng kinakailangang serbisyong medikal. | ulat ni Albert M. Caoile | RP Agoo