Rep. Erwin Tulfo, muling nanguna sa 2025 Senatorial Preference Survey ng SWS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanguna si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo sa iboboto ng mga Pilipino bilang senador sa 2025 Midterm Elections, ayon yan sa kinomisyong survey sa Social Weather Stations (SWS).

Sa naturang survey, tinanong ang mga respondent kung sino ang ibobotong senador.

Dito, numero uno si Tulfo na nakakuha ng 54% voting preference. Pumangalawa naman si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nakakuha ng 34%.

Nasa ikatlong pwesto naman si incumbent Senator Pia Cayetano na may 31% voting preference, habang magkahanay sa 4th at 5th place sina former President Rodrigo Duterte (25%) at Sen. Imee Marcos (25%).

Magkakasama sa 6th-7th spot sina Senator Bong Revilla at former Senator Ping Lacson.

Habang tumalon naman sa 8th spot si Las Piñas Representative Camille Villar. Pasok din sa Top 12 si Makati Mayor Abby Binay at Senator Lito Lapid.

Habang nasa 11th-13th place sina former Senator Manny Pacquiao, Senator Ronald “Bato” dela Rosa, at Senator Christopher “Bong” Go.

Isinagawa ang naturang survey mula September 14-23, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 respondents sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Screenshot

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us