Nabigla si House Assistant Minority Leader Arlene Brosas sa anunsyo ng taas-presyo ng parking fee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Aniya hindi pa man nag-uumpisa ang pagbabago sa paliparan ay bigla naman itinaas ang parking fee nito.
Partikular ang overnight parking ng may 400% increase, na labis aniyang makaka-apekto hindi lang sa mga pasahero, kundi pati sa mga empleyado ng paliparan na pumaparada.
Batay sa bagong fee structure ₱50 ang magiging singil sa unang dalawang oras ng parking at ₱25 na sa kada susunod na isang oras.
Ang overnight parking naman na noon ay ₱300 ay magiging ₱1,200.
Maging ang overnight parking fee ng motorsiklo ay itinaas sa ₱480.
Punto niya mangangahulugan ito na ang isang pasahero na may 4D/3N na biyahe abroad ay gagastos ng ₱4,800 para lang sa parking.
Ani Brosas, hindi pa man nakakapagpatupad ng upgrade sa NAIA matapos ang privatization nito ay mayroon na agad pabigat sa publiko. | ulat ni Kathleen Jean Forbes