Pinuri ni Finance Secretary Ralph Recto ang pagsasabatas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Value Added Tax on Digital Service o Republic Act 12023.
Ayon kay Recto, matitiyak nito ang equitable tax treatment sa lahat ng digital businesses na nagseserbisyo sa Pilipinas at magbibigay daan sa dagdag na kita para sa national development.
Kabilang sa digital services ang mga search engine, marketplaces, cloud services, online media, online advertising at digital goods.
Paglilinaw ni Recto, hindi ito bagong buwis ito ay upang palakasin at i-streamline ang proseso sa BIR para masingil ng value added tax (VAT) ang digital services.
Sa pamamagitan nito aniya ay magkakaroon ng patas na competition at inclusive tax system ang marketplace sa mga Filipino at foreign digital service providers (DSP).
Sa ilalim ng batas sisingilin ng VAT ang mga foreign DSP na lagpas ng P3 million ang gross sales. | ulat ni Melany Valdoz Reyes