Repatriation sa mahigit 60 OFW na naipit sa gulo sa Lebanon, mimamadali na ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para tiyaking ligtas na maiuuwi sa bansa ang mga OFW sa Lebanon.

Bunsod pa rin ito ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel gayundin ng grupong Hezbollah gaya na lamang ng nangyaring pambobomba sa Dahier nitong weekend.

Ayon sa DMW, ligtas na nailipat sa isang hotel sa Beit Mery ang nasa 63 OFWs kung saan sila pansamantalang naninirahan.

Bukod pa ito sa 16 na OFWs na pansamantalang sumisilong sa isang nirerentahang pasilidad sa Beit Mery.

Paliwanag ng DMW, ang nagpapatuloy na kanselasyon ng outbound flight sa Beirut ang dahilan upang maantala ang repatration sa nasa 15 OFW na nakatakda sanang umuwi sa bansa noon pang Setyembre a-25. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us