Muling nagpaalala ang Phivolcs sa publiko kasunod ng panibagong pagputok ng Bulkang Taal kaninang hapon.
Dapat tandaan ng publiko ang “Safety Tips” sa panahon na nag aalburoto ang bulkan.
Ayon sa Phivolcs, ugaliin ang pakikinig sa radyo at telebisyon at iwasan ang pumasok sa mga itinalagang lugar na may panganib ng bulkan at sumunod sa abiso ng kinauukulan para sa agarang paglikas sa evacuation sites.
Kapag nagbubuga naman ng abo ang bulkan, kailangang isara ang bintana at pinto ng bahay at sasakyan.
Manatili umanong maging alerto sa lahat ng oras at maging mapagmasid.
Pasado alas-4:00 ng hapon kanina nang magkaroon ng phreatic explosion sa Taal na tumagal ng ilang minuto at pagbuga ng abo na umabot sa 200 metro ang taas. | ulat ni Rey Ferrer