Nagpasalamat si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa batas na magpapataw ng VAT sa mga nonresident digital service providers.
Giit niya, sa mahabang panahon ay binubuwisan ang domestic creatives ngunit malaya naman ang foreign companies na mamayagpag nang walang tax.
Dahil dito natatali at dehado ang ating local creatives
“The 12% difference in treatment is no small matter – indeed, before this law, it meant that foreign creatives in the digital space could be sold cheaper than their domestic competitors. The law ends this unfair treatment. Same product, same digital space, same consumers, same rules, same taxes. That is the logic and doctrine.” paliwanag ni Salceda
Inaasahan naman aniya niya na sa unang taon ng pagpapatupad ng batas ay makakakolekta ng P8 hanggang P12 billion na buwis mula dito.
Tinukoy din ni Salceda ang 5 percent earmark revenue sa loob ng sampung taon para sa ating creatives industry na isa sa pinaka potent source ng pag-unlad.
Diin niya, na ang Pilipinas ang pinakamalaking creatives sector exporter ng ASEAN.
Kaya naman ang sektor aniya na ito ang pinakamakikinabang sa bagong batas.
“The Philippine creatives sector – artists, artisans, producers – are the biggest winners in this law.” diin pa ni Salceda | ulat ni Kathleen Forbes