Naging emosyonal si senatorial aspirant Beth Lopez matapos mag-file ng kanyang kandidatura bilang senador sa ikatlong pagkakataon.
Si Lopez ay tatlong beses nang nadiskwalipika ng Commission on Election (COMELEC) bilang nuisance candidate, dahilan umano ng kanyang kahirapan at kakulangan sa pondo para maglunsad ng pambansang kampanya.
Ngunit ayon sa COMELEC, hindi batayan ang kahirapan para ideklarang nuisance candidate ang isang nag-file ng kandidatura. Umaasa si Lopez na sa pagkakataong ito, papayagan na siyang makatakbo ng COMELEC.
Samantala, kinumpirma ng COMELEC na maraming reklamo ang kanilang natatanggap mula sa mga kandidatong idineklarang nuisance. Pero ayon din sa poll body, may pagkakataon namang magpaliwanag ang mga kandidato kung sila ay mai-tag bilang nuisance. | ulat ni EJ Lazaro