Inilabas ng Department of Education (DepEd) ang mga panuntunan kaugnay sa ‘rationalizing teachers’ workload and overload compensation’.
Ito ay alinsunod sa DepEd Memorandum No. 053 na layong pangalagaan ang guro at kawani sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Base sa memorandum hindi dapat lalagpas sa anim na oras ang pagtuturo ng mga guro, kung hindi maiwasan, dapat dalawang oras lamang ang pinakamatagal na overtime kada araw at ito ay may karagdagang bayad.
Kung natapos na ang pagtuturo bago matapos ang 6 na oras maaring bigyan ng ibang gawain ang mga guro.
Sa ganitong sistema, magiging patas, transparent at mababayaran ng tama ang mga guro.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat maging prayoridad ang kapakanan ng guro sa bansa. | ulat ni Diane Lear