Bilang pakikiisa sa Elderly Filipino Week, nanawagan si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Senado na pagtibayin bago matapos ang 19th Congress, ang panukalang batas na magbibigay ng social pension, hindi lang sa indigent seniors ngunit sa lahat ng lolo at lola.
Sa ilalim ng House Bill 10423 o Universal Special Pension para sa mga senior citizen, bibigyan ng ₱1,000 kada buwan na social pension ang mga mahihirap na senior. Habang ₱500 naman ang ipagkakaloob sa non-indigent senior sa unang limang taon na may tig-₱100 na increase kada taon, bago itaas na rin sa ₱1,000.
“I am appealing to our senators to pass this proposed universal monthly pension, equivalent to an initial ₱500 and then bumped up to at least ₱1,000 per beneficiary within five years after this program’s full implementation, as such financial aid will help all elderly Filipinos, and not just our indigent senior citizens, cope with the ever rising cost of essential food items, utilities and medicines,” ani Villafuerte.
Ang naturang buwanang pensyon ay bukod pa sa pension benefits na natatanggap ng mga senior mula sa Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), at Pension and Gratuity Management Center (PGMC).
Batay sa datos ng DSWD, mayroong higit 12 million na senior citizen sa bansa, kung saan apat na milyon dito ay indigent.
Kaya naman umaasa si Villafuerte na kakatigan ito ng Senado bilang tulong na rin sa mga senior citizen na maibsan ang bigat ng gastusin gaya ng sa pagkain, gamot, at maintenance. | ulat ni Kathleen Jean Forbes