Nagbigay ng paalala ang Commission on Elections (COMELEC)-Iligan City na wala nang extension para sa mga nais maghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa nalalapit na halalan sa Mayo 2025.
Ayon kay Election Officer Atty. Anna Liza T. Barredo, mahalagang sundin ang itinakdang deadline upang matiyak ang maayos na proseso ng eleksyon.
Ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ay nagsimula na nitong Oktubre 1 at matatapos ng Oktubre 8, sa ganap na alas-5 ng hapon. Ipinapayo ni Atty. Barredo na magpa-check sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) bago ang araw ng paghahain upang maiwasan ang mga posibleng pagkaantala sa proseso ng pagkakandidato.
Ayon sa opisyal, hindi puwedeng magtagal ang mga tao sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa limitadong espasyo. Ang layunin nito ay upang mas mapadali ang pagproseso ng mga kinakailangang dokumento para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC). | ulat ni Sharif Timhar | RP iligan