OCD, biyaheng Batanes para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Julian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Biyaheng Batanes ngayong umaga ang Office of Civil Defense (OCD) sa pangunguna ni Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno.

Ito’y para magdala ng tulong sa mga Ivatang naapektuhan ng bagyong Julian.

Kasama ni Nepomuceno ang iba pang opisyal ng pamahalaan bitbit ang mga tulong na kanilang ipagkakaloob lulan ng C-130 plane ng Philippine Air Force.

Ilan sa mga ipagkakalob ang food packs mula DSWD, shelter repair kits, at tarpaulins and generator set mula OCD.

Nabatid na kasama rin sa biyahe ang Radyo Pilipinas Team bitbit ang mga kagamitang kinakailangan matapos maapektuhan din ang himpilan ng Radyo Pilipinas sa Batanes. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: OCD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us