Pinamamadali na ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. ang relief at rehabilitation efforts sa lalawigan ng Batanes na matinding naapektuhan ng bagyong Julian.
Sa kaniyang talumpati sa The Maritime League Expo 2024 Blue Economy Annual Trade and Conference, sinabi ng kalihim na kailangang makabangon muli ng Batanes bilang ito ang siyang pinakadulong lalawigan ng bansa.
Kasunod nito, nanawagan si Teodoro sa lahat na sama-samang tulungan ang Batanes na maisaayos muli mula sa epektong dulot ng bagyo.
Una nang tumulak ang lupon ng Office of Civil Defense (OCD) bitbit ang mga tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Julian.
Samantala, ini-ulat din ni Teodoro na nakatakdang mag-host ang Pilipinas sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction ngayong buwan.
Ito aniya ang itinuturing na pinakamalaking kumperensya ng may 70 bansa na tatalakay sa mga disaster risk reduction effort gayundin sa mga maritime incidence at kaligtasan sa karagatan. | ulat ni Jaymark Dagala