2 colorum operators, arestado sa Cavite — LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) ang pagkakaaresto sa dalawang colorum operators sa Cavite City.

Naaresto sina Ricky Solayao Cos, 38; at Roberto Bonete Salvador, 52 sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) base sa Warrant of Arrest na inilabas dahil sa kasong colorum na isinampa ng LTO.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, ang pagkakaaresto sa mga ito ay patunay na seryoso ang ahensya sa pagpapatupad ng kampanya laban sa mga colorum na operator at driver sa bansa.

Tugon na rin ito sa hiling ng mga transport groups kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. lalo’t 30% ng kita ng mga lehitimong operators ang nawawala araw-araw dahil sa mga colorum na operator.

Kasunod nito, tiniyak ng LTO na hindi ito titigil sa paghahabol sa mga colorum na operator sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us