Iniutos na ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang pag-relieve sa pwesto sa hepe ng district office sa Bustos, Bulacan dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa operasyon ng mga fixer.
Ayon kay Asec. Mendoza, epektibo noong October 1 ang pagsibak sa pwesto kay Carlito Calingo na papalitan ng kanyang deputy na si Rachel Farin, bilang head ng LTO-Bustos habang ongoing ang imbestigasyon sa kaso nito na nag-ugat sa operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) noong September 24.
Maliban naman kay Calingo, dalawang district office chiefs pa ang kasalukuyang iniimbestigahan dahil pa rin sa koneksyon sa fixers.
“Once we established sufficient pieces of evidence against him, we will not hesitate to file the necessary charges against them,” ani Asec. Mendoza.
Matatandaang makailang beses na ring nagbabala si Mendoza sa mga LTO personnel na tigilan na ang pakikipagsabwatan sa mga fixer. | ulat ni Merry Ann Bastasa