Naghain na ng Certificate of Candidacy o COC si Quezon Governor Angelina “Helen” Tan kaninang umaga para sa reelection.
Kasama ni Gov. Tan na nag-file ng COC ang kanyang running mate na si Vice Governor Anacleto Alcala III.
Sakaling palarin sa 2025 elections, ito na ang ikalawang termino nila bilang gobernador at bise gobernador ng Quezon.
Samantala, nag-file na rin ng kani-kanilang COC sina Congressman Mike Tan ng ikaapat na distrito, Congressman Mark Enverga ng unang distrito, at Congressman Reynante Arrogancia ng ikatlong distrito para sa reelection.
Matapos ang filing, lahat sila ay lumagda sa “Panata para sa Malinis, Marangal at May Dignidad na Kampanya sa Halalang 2025. | ulat ni Mara Grezula | RP1 Lucena