Mga naghain ng COC sa pagka-kongresista sa COMELEC-NCR, umabot na sa 8

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang mga naghain ng kandidatura para sa pagka-kongresista sa COMELEC-NCR sa San Juan City.

Sa ikatlong araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (CoC), umabot na sa walo ang nakapaghain ng COC.

Nitong alas-2:30 ng hapon, unang naghain ng kanyang COC si Makati Vice Mayor Monique Lagdameo para sa pagka-kongresista sa unang distrito ng Makati.

Kasabay ni Lagdameo na naghain ng kandidatura ang tumatakbo sa ikalawang distrito ng Makati na si Makati Councilor Dennis Almario.

Sumunod namang naghain ng COC ang konsehal ng Maynila na si Joel Tagle Villanueva na tatakbo namang kongresista sa ika-apat na distrito ng Maynila.

Ika-apat si Atty. Virgilio Reyes Garcia, na tatakbo sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Quezon City.

Pang lima si Lino Cayetano, na tatakbo sa unang distrito ng Taguig City.

Ika-anim si Ernesto Dionisio na tatakbo naman sa unang distrito ng Maynila at Roel Bernido na tatakbo sa ikalawang distrito ng Quezon City.

Nauna nang sinabi ni COMELEC NCR Assistant Regional Director Atty. Jovy Balanquit, itinuturing na “strategizing days” ang ikalawa at ikatlong araw ng paghahain ng COC kaya hindi nila inaasahan ang maraming maghahain ng COC. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us