Bibisita sa Pilipinas si Korean President H.E. Yoon Suk Yeol, bilang tugon sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Darating sa bansa ang Korean President sa Linggo (October 6) at opisyal na tatanggapin ng Pangulo at ni First Lady Liza Araneta-Marcos si President Yoon kasama si Korean First Lady KIM Keon Hee sa Malacañang sa Lunes (October 7).
Magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Marcos at President Yoon, kung saan matatalakay ang mga usaping politikal, seguridad at depensa, maritime, ekonomiya, people to people ties, labor at consular matters, at iba pang development fields.
Inaasahan na mapag-uusapan rin ang ilang regional at international issues.
“Both sides are also expected to exchange views on regional and international issues and reaffirm the vibrant and dynamic relations between the two countries.” —PCO
Ang pagbisitang ito ay kasabay na rin sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic ties sa pagitan ng dalawang bansa, simula Marso, 1949.
“President YOON’s visit will be the first standalone bilateral visit of a ROK President to the Philippines since 2011.” —PCO. | ulat ni Racquel Bayan