Umaapela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga guro na ipagpatuloy ang paghubog sa mga mag-aaral ng bansa, lalo’t ang mga ito ang kinabukasan ng Pilipinas.
Sa 2024 National Teachers’ Month celebration sa Quezon City, ngayong araw (October 3), binigyang diin ng Pangulo na nasa kamay ng mga guro ang hinaharap ng bansa.
Sa dedikasyon, sakripisyo, at inobasyon ng mga guro, tiwala si Pangulong Marcos na magagawang lampasan ng bansa ano mang hamon ang kaharapin nito.
Sa tulong rin ng mga guro, naniniwala ang administrasyon na makakamtan ng bansa ang minimithing Bagong Pilipinas.
“You are proof that no matter what the challenges our education system faces, we will prevail. Malakas ang loob natin dahil alam natin nandiyan ang ating mga teacher. It’s because of your passion, your innovation, unwavering dedication that I hold the firm belief that: Despite odds, we will push forward.” —Pangulong Marcos.
Sila aniya sa pamahalaan, sisiguruhin matatanggap ng mga guro ang lahat ng suporta at kagamitan na kakailanganin, upang mas epektibong magampanan ng mga ito, ang kanilang tungkulin.
“In my recent SONA, I emphasized that supporting teachers is one of this Administration’s key priorities. We are committed to ensuring that you have ample resources to teach, whether by additional materials, reducing non-teaching, and or reducing non-teaching responsibilities.” —Pangulong Marcos | ulat ni Racquel Bayan