9 party-list, 12 senatorial aspirants, nag-file ng kandidatura sa ikatlong araw ng filing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ikatlong araw ng pagsusumite ng certificate of candidacy (COC) sa Manila Hotel Tent City sa Ermita, Maynila.

Ipinahayag ng Commission on Elections (COMELEC) na siyam na karagdagang party-list groups ang nagsumite ng kanilang Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN), na nagdala sa kabuuang bilang ng party-list candidates sa 34.

Pagdating sa senatorial race, 12 kandidato ang nagsumite ng kanilang COCs ngayong araw, na nagtataas sa kabuuang bilang ng mga senatorial aspirant sa 39.

Ang bilang na ito ay mas mataas sa pinagsamang numero ng mga nag-file ng COC at CONA kahapon, October 2.

Nananatili namang generally peaceful ayon sa COMELEC ang isinasagawang filing sa buong bansa ngayong araw tulad nitong mga nakaraan.

Nagpapasalamat din ang COMELEC sa lahat ng mga aspirant at kanilang mga taga suporta sa kanilang kooperasyon at pagsunod sa mga alituntunin sa panahong ito.

Habang patuloy ang pagsusumite ng COC hanggang sa Oktubre 8, maaari tayong umasa ng mas marami pang kandidato na lalabas at magpapakilala sa mga susunod na araw. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us