Financial literacy at economic empowerment, itinutulak ng isang party-list sa pagpa-file nito ng CON-CAN

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang party-list group na Ahon Mahirap Party-list na makatutulong ito sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagsusulong ng financial literacy mula elementarya, economic empowerment, at social justice.

Layunin ng grupo na bigyan ng pantay na access sa mga oportunidad at serbisyo publiko ang bawat Pilipino, ano man ang kanilang kalagayan sa buhay.

Kabilang sa mga isinusulong nila ay ang pagtanggal ng age limit policy sa pag-aapply ng trabaho at pagtutol sa diskriminasyon base sa kasarian at gender.

Ayon sa kanila, hindi lamang sila nangangako kung hindi nagawa na nila ang mga ito bago pa man tumakbo sa Kongreso.

Unang nominado ng partido si Wilbert Tolentino, isang kilalang content creator, habang ikalawang nominado si Pateros Mayor Ike Ponce na nasa huling termino na bilang alkalde ng munisipalidad. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us