Kaso ng pagpaslang kay dating Police General at dating PCSO Board Sec. Wesley Barayuga, sisilipin na rin ng PNP-IAS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumasok na rin sa imbestigasyon ang Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa kaso ng pagpaslang kay dating Police General at PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.

Kasabay na rin ito ng pagsilip sa posibleng “cover-up” sa kaso na itinuring na bilang “cold-case” noong 2020 at nabuhay na mag-uli nang magsagawa ng pagdinig ang House Quad Committee.

Sa panayam sa Kampo Crame kay PNP-IAS Inspector General, Atty. Brigido “Dodo” Dulay, malawakan ang gagawing imbestigasyon sa kaso na inaasahang magtatagal ng 45 hanggang 60 araw.

Bagaman aminado si Dulay na matatag ang kaso at tiyak nang maparurusahan ang pumaslang kay Barayuga na si Lt. Col. Santie Mendoza, mangangailangan pa rin ito ng matibay na ebidensya na siyang ihaharap sa hukuman.

Samantala, binigyang-diin ni Dulay na hindi sila mangingiming irekomenda ang summary dismissal sa iba pang mga pulis sakaling mapatunayang sangkot sa kaso.

Wala aniyang sasantuhin ang IAS sa gagawin nitong imbestigasyon at pag-uusig kahit may mga heneral pang matamaan dito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us