Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga hakbang, pagtitiyak ng kaligtasan, at agarang pagpapaabot ng tulong sa mga lugar malapit sa Bulkang Taal.
Pahayag ito ni OCD Administrator, Underseceetary Ariel Nepomuceno makaraang makapagtala na naman ng panibagong phreatomagmatic eruption ang Bulkang Taal nitong hapon ng Miyerkules.
Ayon kay Nepomuceno, mahigpit nilang tinututukan ang sitwasyon sa Bulkang Taal katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Offices at mga lokal na pamahalaan.
Una rito, inihayag mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakalatag na ang mga protocol sa pag-alalay sa mga apektadong lugar.
Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal kung saan, posible pa rin itong makapagsagawa ng mahihinang pagbuga ng asupre at makapal na usok. | ulat ni Jaymark Dagala