Speaker Romualdez, umaasa na babagal pa ang inflation kasunod ng mga inisyatibang ipinatupad ng administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na patuloy na susuportahan ang mga hakbang ng pamahalaan upang masiguro na mura at abot kaya ang presyo ng pagkain.

Kasunod ito ng naitalang 1.9 percent inflation sa buwan ng Setyembre, pinakamababa sa loob ng apat na taon.

Naniniwala si Speaker Romualdez na malaki ang naitulong ng pagtapyas ng taripa ng imported na bigas at direktang pagbenta ng bigas sa Kadiwa stores para mapamura ang bigas.

“These twin steps have significantly reduced the retail price of rice, from above P50-P60 per kilo to P40-P42 per kilo, or by at least 20 percent,” saad niya.

Kasama rin sa mga intervention ang flagship program na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) at Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families (PAFFF) – na nakaikot na sa 24 na probinsya at nakapaghatid na ng P10 bilyong pisong tulong.

“Aside from the cash aid distributed in BPSFs, which will definitely boost the spending power of the people and stimulate the local economy, the services offered here like employment requirements help citizens get jobs or seek livelihood,” sabi ni Speaker Romualdez.

Umaasa rin si Speaker Romualdez na magpapatuloy ang pagbagal pa ng inflation o hanggat maaari ay mapanatili itong pasok sa target ng pamahalaan na 2 to 4 percent.

Patuloy din aniya magbabantay ang Kongreso sa ulat ng mga smuggling, hoarding, at price manipulation sa pamamagitan ng binuong Quint Committee na tututok din sa tamang pagpapatupad ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us