Mas maigting na ugnayan sa pagitan ng mga otoridad at mga lokal na pamahalaan, ipinanawagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga otoridad na paigtingin pa ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang concerned agencies para ganap nang mapatigil ang operasyon ng lahat ng mga POGO sa bansa.

Ang pahayag na ito ni Gatchalian ay kasunod ng pag-raid sa 3D Analyzer Information Technologies Inc., isang POGO company na sangkot sa love scams.

Bagamat pinapurihan ng senador ang mga otoridad para sa matagumpay na raid, nakakadismaya aniyang sa kabila ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na total POGO ban ay patuloy pa rin ang operasyon ng mga kriminal na sindikatong ito.

Mas masama pa aniya, nagawa pa nilang patakbuhin ito sa mismong likod ng gusali ng Senado, ang institusyong nag-iimbestiga sa mga problemang dulot ng POGO.

Ayon kay Gatchalian, binibigyang diin lang nito na malayo pang matapos ang pakikipaglaban natin sa malalim na problemang dulot sa lipunan ng mga POGO. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us