Umabot na sa 44 ang mga aspiring candidate para sa pagkakongresista ang naghain ng kanilang
certificate of candidacy sa Commission on Elections-National Capital Region.
Bago magtanghali kanina, kabilang sa mga naghain pa ng COCs ay sina Dr. Louisito Chua bilang independent para sa ikaapat na Distrito ng Maynila at Florencio Garcia Noel ng Malabon na kinatawan ng Nationalist Peoples Coalition.
Nakapaghain na rin ng COCs ang re-electionist na sina Jaime Dela Rosa Fresnedi ng Liberal Party mula sa Muntinlupa City at Roman Tecson Romulo ng Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa Pasig City.
Nauna nang naghain ng kanyang kandidatura si Marikina Mayor Marcy Teodoro para sa pagkakongresista kaninang umaga. | ulat ni Rey Ferrer