Malugod na tinanggap ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang paghina ng inflation noong Setyembre dahil sa pagbaba ng presyo ng pagkain, partikular na ng bigas.
Bumaba ang inflation sa1.9% na pinakamabagal na mula sa 1.6 % na naitala noong Mayo 2020.
Malaki ang ginampanan ng food inflation sa kabuuang deceleration na ito.
Partikular ang pagbaba sa inflation rate para sa bigas, na bumagsak sa 5.7% mula sa 14.7% noong Agosto.
Babala pa ng kalihim na ang karaniwang mataas na demand sa hinaharap at sa panahon ng kapaskuhan ay maaaring magpabagal sa pagbaba ng presyo ng pagkain.
Ang pagbaba sa presyo ng bigas ay dapat aniyang makita sa Enero dahil ang rice inventory na inangkat sa mas mataas na presyo at taripa ay naubos na. | ulat ni Rey Ferrer