Pilipinas, Amerika, nagsanib puwersa sa pagpapadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa Batanes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sanib-puwersang ipinadala ng Amerika at Pilipinas ang tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa lalawigan ng Batanes.

Batay sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), aabot sa pito at kalahating toneladang essential supplies ang isinakay sa C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF) mula Villamor Airbase sa Pasay City patungong Basco.

Katuwang ng Pilipinas ang dalawa pang C-130J aircraft ng US Marines na naghatid din ng mga supply patungong Laoag Airport na siya namang nagsilbing staging point bago ipinagpatuloy ng PAF ang kanilang misyon.

Kabilang sa mga ipinahatid na tulong ay mga bigas, inuming tubig at mga de latang pagkain na mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), USAID at pribadong sektor na siyang pinakakailangan ng mga apektado ng bagyo.

Ang magkatuwang na hakbang na ito ng Pilipinas at Amerika ay patunay ng matibay na alyansa at suporta ng dalawang bansa na maihatid sa lalong madaling panahon ang mga pangangailangan ng mga sinalanta ng kalamidad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us