Dating Rep. Erice hinamon si Uy ng debate hinggil sa isyu ng Miru-Smartmatic

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais maka-debate ni dating Representative Edgar Egay Erice si Representative Mitch Cajayon Uy.

Ito ay hinggil sa usapin ng Smartmatic at Miru Systems na pawang mga kumpanyang nasa likod ng voting machines na ginamit at gagamitin ng bansa sa eleksyon.

Ito ang naging tugon ni Erice matapos itong akusahan ni Cajayon-Uy na nakikinabang sa Smartmatic, kaya nito inilalaban ang nasabing kumpanya.

Hamon ni Erice, kung talagang alam ni Cajayon Uy ang mga pinagsasabi nito ay dapat silang mag-debate hinggil sa naturang usapin.

Matatandaang una nang kinuwestyon ni Erice ang Commission on Elections (Comelec) sa iba’t ibang proseso ng nakatakdang halalan sa 2025, partikular na ang mga prosesong aniya’y hindi pa subok.

Si Cajayon Uy at Erice ay pawang mga kandidato sa pagka kongresista sa Lungsod ng Caloocan. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us