Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang “all-time high“ na gross international reserves (GIR) sa buwan ng Setyembre.
Higit na mataas ang $112.0 billion kumpara sa $107.9 billion sa nakalipas na Agosto.
Ayon sa BSP, sapat na ito bilang external liquidity buffer o katumbas ng mahigit walong buwan na halaga ng import of goods o kabayaran ng serbisyo at primary income.
Katumbas din ito ng anim na beses na short-term external debt base sa orihinal na maturity at 4.4 times ng residual maturity.
Paliwanag ng BSP, ang month-on-month na GIR increase ay dahil sa foreign deposit ng national government sa BSP, gold holdings ng bansa kung saan mataas ang presyo ng gold sa international market, at ang kita mula sa investment abroad.
Samantala, tumaas din ang net international reserves o ang pagitan ng reserve assets (GIR) ng BSP sa reserve liabilities.
Ito ay tumutukoy sa utang ng bansa mula sa International Monetary Fund (IMF). | ulat ni Melany Valdoz Reyes