Bukas na muli ang Amoranto Sports Complex para tumanggap ng mga kandidatong hahabol sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections.
Nananatiling mahigpit ang seguridad sa loob at labas ng Amoranto na bantay-sarado pa rin ng Quezon City Police District (QCPD), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), at Task Force Disiplina.
Inaasahan namang hindi pa dadagsa ang mga kandidatong hahabol sa paghahain ng COC sa QC na posibleng ang iba ay hinihintay lang ang pagpatak ng October 8 batay na rin sa Feng Shui.
Samantala, matapos ang ika-pitong araw ng paghahain ng COC, nasa kabuuang 55 kandidato na ang nakapaghain ng COC sa QC kung saan tig-dalawa sa pagka-alkalde at bise alkalde.
Magtatapatan sa pagka-alkalde si incumbent Mayor Joy Belmonte mula sa Serbisyo sa Bayan Party, at Rolando Jota na independent candidate.
Makakatunggali naman ni incumbent Vice Mayor Gian Sotto ang independent candidate na si Dante Villarta.
Habang 51 naman ang tumatakbong kandidato sa pagka-konsehal para sa anim na distrito ng lungsod.
Pinakamarami ang naghain sa District 1 na umabot sa 12 kandidato; na sinundan ng District 4 na may 11 kandidato.
Tatanggap ang QC-COMELEC ng COC hanggang mamayang alas-5 ng hapon. | ulat ni Merry Ann Bastasa