Isang Executive Committee ang binuo na magsisilbing tagapangasiwa sa operasyon ng Ehekutibo habang wala sa bansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at nasa Laos para dumalo sa ASEAN Summit.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez, si Executive Secretary Lucas Bersamin ang magsisilbing chairperson ng kumite.
Kabilang naman sa mga miyembro ng caretaker committee sina Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaruon ng ganitong Executive committee na magsisilbing caretaker habang nasa opisyal na biyahe ang Chief Executive.
Ginawa din ang nasabing set up ng bumiyahe si Pangulong Marcos noong nakaraang taon sa Indonesia.
Si Pangulong Marcos ay nakatakdang dumalo sa ika-44 at ika-45 na Association of Southeast Asian Nations Summit sa Lao People’s Democratic Republic. | ulat ni Alvin Baltazar