Pagkakatalaga kay Cavite Gov. Remulla bilang DILG Secretary, welcome sa House leaders

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pagbati si Speaker Martin Romualdez kay Cavite Gov. Jonvic Remulla sa kaniyang pagkakatalaga bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Aniya, tiwala siya sa kwalipikasyon ni Remulla lalo na sa kanyang karanasan sa pamamahala sa local governance.

“We are happy with Gov. Jonvic’s appointment as DILG Secretary. Bilang isang matagal na naging lokal na opisyal, alam niya ang tunay na pangangailangan ng ating LGUs, lalo na pagdating sa pamamahala, kapayapaan at seguridad,” ani Speaker Romualdez.

Aniya, sa tagal na paglilingkod ni Remulla sa Cavite, kilala niya ang bawat sulok at pangangailangan ng kanyang probinsya at alam niya kung paano pag-isahin ang lokal na pamahalaan, at ang pambansang gobyerno para sa kabutihan ng bawat Pilipino.

“Gov. Jonvic’s deep understanding of local issues, combined with his dedication to public service, will greatly benefit our LGUs nationwide. He knows what it takes to elevate local governance and to create a safe and secure environment for all Filipinos,” sabi pa ng House leader.

Tiwala rin ang Leyte lawmaker sa kakayanan ni Remulla sa pagpapanatili ng peace and order na mahalagang bahagi ng pagiging DILG chief.

Pinuri din ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na piliin si Remulla bilang bagong DILG secretary.

Giit ni Barbers, ang halos 30 taong karera sa politika ni Remulla sa Cavite kabilang ang pagiging provincial legislator, acting governor, vice-governor, at governor ay sapat na mga rason na mapili siya sa puwesto.

“His wealth of experience and competency in local governance could prove that he could very well run the agency, to face and handle all the challenges that lie ahead of him as SILG.” ani Barbers

Bilang dating governor rin at kasalukuyang Representative ng Surigao del Norte, hinihimok ni Barbers ang mga local chief executive na ibigay ang suporta sa bagong DILG secretary. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us