Dating kaselda ng self-confessed Chinese spy na si She Zhijiang, kinumpirmang Chinese spy rin si Guo Hua Ping o dating Mayor Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng isang Chinese national na si Wang Fugui, dating kaselda ng self-confessed Chinese spy na si She Chijiang, na totoong isa ring Chinese spy si Guo Hua Ping o si dismissed Mayor Alice Guo.

Matatandaang si She Zhijiang ang na-interview ng international news agency na Al Jazeera at nagsabing isang espiya si Guo.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women ngayong araw, prinisinta ang zoom interview ng komite kay Wang Fugui.

Ayon kay Wang, pagkalabas niya ng kulungan ay ipinagkatiwala sa kanya ni She ang mga dokumentong naglalaman ng mga impormasyon ng mga state agent ng China kasama na si Guo.

Ibinahagi rin ni Wang, na ang pagkandidato ni Guo bilang mayor ng Bamban, Tarlac ay inayos rin ng Chinese State Security.

Itinuro rin nito ang isang Ma Dongli bilang posibleng handler ni Guo dito sa Pilipinas.

Nilinaw naman ni Committee Chairperson Senator Risa Hontiveros, na hindi nila isinasantabi na posibleng mayroon ring sariling agenda sina Wang at She sa mga inilabas nilang impormasyon.

Pero iginiit ni Hontiveros, na kailangan pa ring imbestigahan ng ating security officials ang mga impormasyong sinasabi ng mga ito na posibleng may implikasyon sa national security ng Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us