Walo pang aspiring candidate ang naghain ng certificate of candidacy (COC) para sa pagka konsehal sa Quezon City ngayong araw.
Isang long-time youth leader at isang second termer na konsehal ang kabilang sa naghain kanina ng COC.
Naghain din ng COC bilang konsehal sa 4th District ng Quezon City si Lorevie Caalaman, isusulong umano niya ang isang pro people politics sakaling palarin sa 2025 local elections.
Si Caalaman ay Deputy Secretary General ng Makabayan National Capital Region (NCR).
Tatlo naman ang naghain ng COC sa District 5.
Kabilang dito ang 2nd termer Councilor na si Joseph Vizaya at ang mga bagong susubok na sina Jose Arnel Quebal, at Angelu Marie Ortigas ng Reform PH.
Tatangkain namang bumalik ni Ivy Lagman, na naghain ng COC bilang konsehal ng District 4.
Mula sa unang araw ng filing ng COC hanggang ngayong huling araw, umakyat na sa 54 ang naghain ng COC sa pagka konsehal.
Ang iba pang naghain ng COC ay sina Noel Navat para sa pagka konsehal ng District 2, mga re-electionist councilor na sina Allan Reyes sa District 3 at re-electionist na si Ranulfo Lodovica para sa District 2. | ulat ni Rey Ferrer