Pangulong Marcos Jr., nasa Laos na para sa pakikibahagi sa ika-44 at ika-45 ASEAN Summit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Eksakto alas-4:16 ng hapon (PH time) lumapag sa Wattay International Airport sa Laos ang PR 001 o ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa pakikibahagi ng Pangulo sa ika-45 na Association of Southeast Asian (ASEAN) Summit.

Tumagal ng higit tatlong oras ang biyahe ng Pangulo, mula nang mag-take off ang eroplano nito sa Villamor Airbase, Pasay City, pasado ala-1 ng hapon.

Si Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos ay sinalubong nina Philippine Ambassador to Lao PDR, Deena Joy Amatong, at iba pang opisyal mula sa Philippine Embassy sa Vientiane.

Kabilang rin sa mga sumalubong sa Philippine delegation ay sina Lao PDR Minister of Mining and Energy Phoxay Xayasone at ang maybahay nitong si Phonethida Sayida.

Kasama rin sila Ministry of Foreign Affairs Director-General for Consular Department Soulisack Soulinthone at Protocol Department Deputy Director-General Outtama Sithiphong.

Ngayong gabi (October 8), humarap ang Pangulo sa Filipino Community sa Laos, kung saan personal na aalamin ng Pangulo ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Laos kasabay ng paglalatag ng mga programa ng pamahalaan, para sa overseas Filipino. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us