Papel ng Bureau of Plant Industry sa import ops ng mga kompanyang may kaugnayan kay Leah Cruz, pinuna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais pang malinawan ni Marikina Representative Stella Quimbo kung mayroon bang papel ang Bureau of Plant Industry sa ‘cartel operation’ ng grupo ni “Sibuyas Queen’ Leah Cruz.

Kung matatandaan, ibinunyag ni Quimbo na batay sa naging serye ng imbestigasyon ng House Committee on Food ay hawak o may control si Cruz, sa industriya ng sibuyas, kasama na rito ang importation.

Ani Quimbo, hindi klaro ano ang kalakaran sa Bureau of Plant Industry sa pag-i-isyu ng import permit sa mga gustong mag import na kompanya dahil kaialngan i-limita ang volume ng import.

Ngunit posible kasing pinipili o may pinapaborang mga importer na pinahihintulutan na mag-angkat.

Tinukoy ni Quimbo na noong 2022, ang tatlong kumpanya na nasa ilalim rin ni Leah Cruz – ang Yom Trading, La Reina, at Vegefru Producing Store  – ay ang pinakamalaking importer ng yellow onions na may total volume na 5,445.66 MT o 68.74% ng total imported volume. Habang ang imports nila ng red onions ay umabot sa 7,648.81 MT o 41.02% of total imported volume.

“Ang katanungan, papano napapayagan ng Bureau of Plant Industry na patuloy makapag import si Lea Cruz despite being blacklisted? May nagbubulagbulagan ba o lantarang nakikipagsabwatan ang BPI sa pandaraya sa taong bayan?” tanong ni Quimbo sa isang press briefing.

Ayon naman kay House Committee on Agriculture Chair Mark Enverga, kailangan pang aralin ng komite ang mga dokumento at transcript ng mga pagdinig upang matukoy kung mayroon nga bang mga opisyal ng gobyerno na maaaring masamang kasuhan.

Naniniwala ito na para mamayagpag ang kartel ay mayroong kumukunsinti na bahagi ng gobyerno.

Nakabatay naman aniya sa makakalap nilang ebidensya kung may matutukoy na opisyal ng pamahalaan na papanagutin.

“Katulad ng sinabi rin ni Cong. Stella for a cartel to thrive kinakailangan may kasama rin sa gobyerno, hindi mangyayari ang kartel o hindi magiging successful iyung operations kung walang kasabwat…so we will look back at our transcripts and everything and see from there,” ani Enverga.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us