Pinahayag ni Senate President Pro Tempore at Senate Committee on National Defense chairman Senador Jinggoy Estrada na ang pagsasabatas ng Self-Reliant Defense Posture (SRDP) Revitalization Act ay isang major step sa pagpapalakas ng defense posture ng Pilipinas.
Ayon kay Estrada, sa pamamagitan ng naturang batas ay mababawasan ang pagdepende ng Pilipinas sa mga dayuhang supplier at maitataguyod rin nito ng isang self-sufficient defense industry.
Sinabi rin ng Senate President Pro Tempore na ang bagong batas na ito ay inaasahang makakapagpabuti ng kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan, pribadong sektor at research institutions sa pag-develop ng mga bagong teknolohiya.
Sa ilalim ng batas, bibigyang prayoridad ang mga locally-owned companies sa development, maintenance at operasyon ng mga critical military material.
Kabilang na dito ang mga armas, ammunition, weapon system, combat training, armor at iba pang military equipment.
Magbibigay rin ito ng insentibo sa mga manufacturer na magse-set up o lilipat ng kanilang produksyon nila sa Pilipinas habang pinoprotektahan ang mga lokal na negosyo mula sa hindi patas na kompetisyon.
Binigyang diin rin ni Estrada ang kahalagahan ng isang self reliant defense industry para tugunan ang regional security challenges lalo’t ang local production at technological advancement ay susi sa isang matatag at sustainable national defense.| ulat ni Nimfa Asuncion